Previous Post
Links
 
 
 
PANATA SA PAGBABAGO (PLEDGE FOR CHANGE)
Friday, August 20, 2010

Photo and layout by Ding Fuellos

PANATA SA PAGBABAGO

Pilipino ako.

Namamanata na tutulong ako sa ating pamunuan
Sa pagtataguyod ng marangal na pamamahala
Sa pagpapalakas ng isang lipunang makatarungan
At sa pagpapatingkad ng ating demokrasya
Upang guminhawa ang pinakamamahal nating bayang Pilipinas.

Gagampanan ko
Ang lahat ng katungkulan
Ng isang mabuting mamamayan
Na kasing-tindi ng paghamon ko sa ating mga pinuno
Na sumunod sa landas na matuwid.

Makikipag-kapit-bisig ako sa aking kapwa Pilipino
Sama-sama nating baguhin
Ang takbo ng kasaysayan upang umiral ang kagandahang-loob.
Ipinangangako ko ito sa ngalan ng aking mga ninuno at mga apo
Patnubayan nawa ng Poong Maykapal ang sambayanan.

------------------- English Version --------------------------

PLEDGE FOR CHANGE

I am a Filipino.

I pledge to support our leaders
In upholding good governance,
Fostering an equitable and just society,
And intensifying the light of democracy
Toward the upliftment of our beloved country.

I will fulfill the duties of a responsible citizen
As fervently as I demand of our leaders
To tread the straight and decent path.

I shall link arms with my fellow Filipinos:
Together and as one we will recast the course of history
Whence decency, once again, shall reign.

This I swear in the name of my forebears and grandchildren.
May the Almighty God continually guide our people.

(Composed by Sonny Coloma & Marian Pastor Roces)

posted by JoGJMac(http://titajo.blogspot.com) @ 9:15 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
About Me

Archives
Search
Custom Search
 
Powered by


BLOGGER

© 2008 titajo